Mind Over Matter ✌

Betty. 17. PUPian BSAccountancy. Child of God★

 

Home  ·  Ask

Sa dinami-rami ng lalaking hinahangaan ko, ang lalaking ito, ang sa buong akala ko sa puso’t isip ko ay ang first love ko.

Elementary pa lang kami, Grade four pa ako noon nung maging kaklase ko siya. First time ko mag-section one nun kung hindi pa pipilitin ng Tita ko yung teacher namin. Ako kasi ang klase ng batang walang pakialam sa pag-aaral. Ako ‘yung batang okay lang pumasok sa school na walang sagot sa assignment, na okay lang kahit puro palakol ang grade sa card kaya palagi akong nasa section two. In short, ako ang klase ng batang sobrang gusgusin noon. 

Hanggang sa nakilala ko ang lalaking ito. Tahimik lang siya. Malinis sa gamit at katawan. Mabait, syempre. Matalino at madaming kaibigan kaya madali kong hinangaan ang kung sino siya sa pagkakakilala ko. 

Simula noon, nahiya na akong magkaroon ng mababang score sa test ng dahil sa kanya, kaya nagsikap akong mag-aral para lang mapansin niya. 

Sa sobrang kagustuhan kong mapansin niya ako, palagi ko siyang tinutukso sa pangalan ng Tatay at Nanay niya (yun yung uso dati e). Doon din niya nalaman na may gusto ako sa kanya. 

First time din naming muntik mapa-guidance noon. Actually, ako talaga ang may kasalanan. Tinutukso ko siya noon hanggang sa nabugnot na siya at tinukso din ako. Nagalit ako at hinagis ko yung bag niya sa Cr. Pinatawag na lang kaming bigla ng teacher namin, akala ko palilipatin ang isa sa amin sa section two noon buti na lang hinayaan na lang ni Ma’am. Simula noon, hindi na kami madalas magpansinan, Ilang na din kami sa isa’t-isa. 

Hangang sa gumraduate kami ng elementary, ganun pa din. 

Pareho kami ng pinasukan ng High School. Pumasa ako sa Star Section pero siya hindi. Section A ako noon tapos siya naman Section B. Pero kahit magkaibang section na kami siya pa din ang lalaking gusto ko. Adik na adik pa din ako sa kanya noon. Palagi kong pinagsisigawan sa mga kaklase ko na siya ang gusto ko. Minsan nga kapag dadaan sila sa harap ng room namin palagi kong isinisigaw yung pangalan niya sabay tago. (Oo, parang galawang Ginny lang sa Starting Over Again) Apat na taon akong nagpaganyan ganyan sa kanya. 

May pagkakataon pang naging member siya ng club tapos ako presidente. Naging posible ‘yan dahil sa mga suportadong kaibigan ko. Kaso wala din namang nangyari samin at na-istress lang ako sa mga projects ng club.

Nabalitaan ko pa noon na may naging gf na siya. Nalungkot ako nun, pero nung nalaman kong isang araw lang naging sila eh okay na ulit ako. Daig ko pa nga naka-perfect sa exam sa tuwa. 

Nagtapos kami ng High School pero baliw na baliw pa din ako sa kanya. ‘Yung tipong marinig ko lang pangalan niya, nangangatog na ang tuhod ko sa kaba. Dahil magkabarangay kami, madaling nalaman ng mga pinsan ko na siya ang crush ko. Tuwing bibili siya samin, mas una pang kinikilig yung mga pinsan ko kesa sakin at hindi nga nagtagal nalaman na din ni Nanay, Mama, Papa, Tito, Tita ko na siya ang lalaking kinababaliwan ko. Matindi pa nga nito, sila pa ang nagsabi kay Ate Margie (Nanay ng crush ko) na may gusto ako sa anak niya. Wow lang.

Pareho pa din kami ng pinasukan ng kolehiyo. Accountancy ang kinuha kong kurso samantalang Electronics Engineering naman siya. First year college na ko pero gawain ko pa din ang pagtawag sa kanya sa campus sabay tago. Minsan nga kapag magkakasalubong kami sa PUP, tinutukso pa ako ng mga kaibigan ko pero siya wala lang. HAHAHAHAHA. 

Hanggang sa nitong mga nakaraang araw lang, nagkataong nag-ka-chat sila ni Iklet (best friend ko, Naks) Pi-nush ko naman na mag-chat sila kasi never naman kami nagkakachat nun. Eto yung ilan sa mga sagot niya:

  • Hahaha…hindi pwede..bawal..
  • Ayy..sori..Basta bawal..wag muna alamin…hehe
  • Basta meron kc akong nililigawan..pasensya na..hindi tlaga pede.
  • Friend naman kami..matagal na..
  • Ok lng namam siya..Ou as a friend LANG..hehe
  • Describe pala.makulit ka ha..yun ano niya.ano…wag na..haha
  • Wag na,baka magalit ka
  • Sobrang ganda.

Alam ko namang dito at dito babagsak ang usapan nila. Alam ko ding wala naman talagang gusto si Norman sa akin. Ang gusto ko lang marinig eh yung sabihin niyang ayaw niya sa akin. Yun lang. At base sa pag-uusap nila nahanap ko lahat ng sagot sa katanungan ko.

Nasaktan ako. Oo. Nakakadurog nga ng puso e. Umiyak ako, masakit e. 

At ngayon masasabi ko, na hindi siya ang first love ko, na hindi siya ang akala kong lalaking gugustuhin ko habang buhay, na hindi pala siya yung lalaking inakala ko noon dati. Na-realized ko na hindi mo pala masasabi na LOVE mo ang isang tao base lang sa haba ng panahoon ng paghanga mo sa kanya. At ngayon, finally, nagising din ako sa sarili kong kahibangan, Congrats sa akin!

Binlock ko na siya sa Fb. First step ko ‘yun para makalimot. (Pasensya na at sobrang haba nito, nadala lamang ako ng aking emosyon)

Makaka-move on din ako. 

Walang kupas.

Candle Lighter

Candle Lighter

“She wasn’t bitter. She was sad, though. But it was a hopeful kind of sad. The kind of sad that just takes time.”

— The Perks of Being a Wallflower (Stephen Chbosky)

(Source: wordsthat-speak, via kuloweee)

(Source: agreeing, via kuloweee)

Ultimate Throwback

Naalala ko na kung bakit crush na crush ko si Norman noong Elementary, HAHAHAHA Feeling ko kasi siya si Hua Ze Lei. Magkaugali kasi sila. Para laging walang paki at tahimik. Ew. Ang jeje ko talaga. HAHAHa Naalala ko lang naman.

“You need to have a bad day every once in a while. Otherwise, you’ll never know what a good day feels like.”

— (via missedlyn)

(Source: picsandquotes, via italiananghilaw)

superepicfaye:

Graduation nila, tapos Reunion namin <3 #EinsteinBatch2012